Sobra. Tipong hahanapin ko ng hahanapin yung phone ko kung saan ko napatong, lilibutin ko bahay namin 2 o 3 beses kakahanap yun pala naiwan ko lang kung san or napatungan ko lang ng kung ano. Yung pupunta ko ng kwarto kasi may kukunin tapos babalik ako sa sala ng walang dala. Hahanapin ko panyo ko yun pala nasa bulsa/hawak ko lang pala
Sila yung tipo na kapag nakalabas yung strap ng bra mo, hihigitin nila blouse mo at aayusin para di makita :)
- Tatawag saken kapag palabas na ko
- Ipinapasundo ako sa school
- Pagkatapos ng klase, uwi agad
Di naman ganto mga magulang ko saken dati. Wala naman akong ginawang misama lately. Hahaha. Bat ganun? -.-
Ang bait ng parents ko. Sobra. Kaya kapag magsisinungaling ako, nagi-guilty talaga ko. Di naman sa lagi akong nagsisinungaling sa kanila. Di ko na nga tanda yung last na nagsinungaling ako eh. Hahaha. Kapag may pupuntahan kami ng mga kabarkada ko, pumapayag sila. Minsan nga di na nila tinatanong san ang punta namin basta sasabihin ko lang na si ganito ang kasama ko, papayag na. Kaya kapag di ako agad nakakapagpaalam, nagagalit sila. Masarap sa pakiramdam na may tiwala sayo ang parents mo. Dati nga nung HS ako, kapag 7pm na at wala pa ko sobrang nag-aalala na mga yun saken. Ang tagal din kaya bago ulit mabuo yung trust ng magulang ko saken. Not that sobrang nagloko ko dati. Siguro ayaw lang nila na mapagaya ko sa kapatid ko o kaya sa kanila mismo. Hahaha. Nakakamiss din pala yung itetext ka o tatawagan ka kung asan ka na. :D
-maglalakad na nga lang, matatakid pa (pero ok ng matakid kesa magdagasa)
-dadaan na nga lang, mabubunggo pa (ok ng mabunggo kung san san basta hindi ng kotse)
-uuwi na nga lang, babalik pa ng school kasi naiwan ang phone sa room (at least pagkabalik, andun pa din ang phone at di nawala)
Eh kasi naman yung status report di ako nagpapasa dahil sabi naman sakin ng mga classmate ko kahit di magpasa nun kasi di naman tunay na naho-hold ang grades mo. Secretary kasi ako samin. Edi di na ko nagpapasa kasi tinatamad din naman ako. Tapos ngayon sinabi sakin nung officer ng SG (student government) na ipasa ko daw lahat ng status report simula nung june 2012. Tae lang. Di ko na tanda lahat ng ginawa namin nun. Tiningnan ko na mga blog ko at yung diary ko pero wala akong makuha. Tangina. Ayoko na T.T
The Little Mermaids
Isang araw ay may mermaid na ang pangalan ay tinatuna. Kaibigan nya si gecalapia. Parehas silang aries kaya magkasundo sila lagi. Pero ayaw sumama ni tinatuna kay gecalapia kasi lagi silang malas pag magkasama sila. Mahilig si gecalapia sa seeweeds kaya malaki ang ulo at buntot nya. Tao talaga sila dati kaya lang lagi silang nagrereklamo kung bakit mataba ang paa nila kaya nagalit si Lord binigyan sila ng buntot. At namuhay sila ng masaya sa dagat.
Kwento na ginawa nung tropa ko tungkol saming dalawa. Tamad na tamad ata habang nagkaklase kaya gumawa ng ganan XD
Wala naman akong balat sa pwet pero bakit ang malas ko? Haha. Di ko naman napapansin yun dati pero simula nung sinabi saken ng mga kaibigan ko na malas ako, lagi ko ng napapansin. Yung napapahiya ako lagi, natatapilok, nagkakamali, nasasagi. Basta yung mga ganun. Yung mga simpleng bagay lang naman. Nung nagtake nga kami ng PUP (panukat ng ugaling pilipino, standardized psychological test), nakalagay dun sa mga results ng akin na ako daw ay lapitin ng aksidente. Tulad na lang kanina, muntik na kong mahulog sa kanal. O kaya kahapon nakaupo ako sa lib tas muntik na kong mahulog sa upuan ko. At madami pang iba. Haha. Careless lang siguro talaga ko kaya ganun :D